JWGIMENEZ

JWGIMENEZ

Martes, Hulyo 28, 2015

Pagbisita sa Sabang Quezon

   Nakakabighani naman talaga ang mga tanawin sa probinsya. Pero hindi lamang magagandang tanawin ang kabigha-bighani sa probinsya, nariyan ang sariwang hangin, masasarap na pagkain at mga tao na palakaibigan at mapagpatuloy. Ngayon samahan nyo ako sa pagbisita sa magandang lugar sa Quezon province, ang Sabang, sa bayan ng Quezon( kabilang ito sa bayan ng Alabat Island )



   Habang patungo sa tinatawag ng ilang na nakatagong paraiso - ang "Sabang". Mapapansin mo na agad ang malinaw na tubig sa dalampasigan. Matutukso ka na tumalon at maligo doon. May magagandang rock formations, na may maliliit na bato na kung minsan ay mayroong  iba't-ibang kulay, makikinis at iba't ibang hugis. May malalaki pa ngang bato na tinubuan na ng puno at mga halaman at mapaliligiran ng tubig. Napakaganda talaga! Para sa gusto ng adventures pwede kang umakyat ng bundok patungo sa mismong sentro o lokasan ng brgy. Sabang, habang umaakyat ka makikita mo ang ganda ng karagatan mula sa taas. Nakakapagot, at hihingalin ka talaga sa pag-akyat pero sulit naman dahil sa ganda ng tanawin, nakakaalis rin ng pagod ang masarap na simoy ng hangin. Pero kung gusto mo naman makita ang magagandang rock formations nang malapitan pwede kang maglakad sa tabing dagat, mamamasdan mo rin doon ang malinaw na tubig at iba't ibang kulay at uri ng isda. Makikita mo rin ang isang kweba at sa tabi nito ay may malaking bato na waring hugis ulo ng tao, pwede ka pa ngang umakat sa malalaking bato at magselfie. Pero ingat lang sa mga lalakaran nyo sa tabing dagat, sa halip kasi na buhangin ang lalakaran nyo, mga bato ang naroon. Kung minsan matatalas sila, kaya dapat careful sa paglalakad at tumingin sa lalakaran. May iba pang paraan para ma-enjoy ang tanawin sa "Sabang" nang hindi ka mapapagod sa paglalakad. Pwede kang sumakay ng bangka, doon makikita mo sa kabuuhan ang mga tanawin. Makikita mo ang mga magagandang bundok at malinaw na tubig sa dagat.
Iba't ibang hugis at kulay ng bato





   Tapos na ba ang lahat pagkatapos mong makita ang magagandang tanawin sa tabing-dagat? Hindi! Matapos magpahinga mula sa nakakapagod na paglalakbay patungo sa mismong barangay ng Sabang. At bitin ka pa sa mga tanawin na nakita mo, pwede kang pumunta sa isa sa pinagmamalaki rin nila, ang Sabang Falls. Tandaan! Kung gusto nyo ang malakas na bagsak ng falls at agus nito dapat tag-ulan kayo pumunta sa Sabang. Isang adventure din ang pagpunta sa falls dahil medyo malayo rin ito at nasa gawing bundok ang mismong kinalalagyan nito. Doon pwede kang lumangoy sa maliit na lawa.
Marami pang magagandang lugar at tanawin sa bgry Sabang na hindi ko pa napupuntahan. Mayroon ding adventurous na caves na pwede nyong bisitahin, doon makikita nyo rin ang Philippine bats at mga rock formations. Kaya, tara bisitahin natin ang tinatagong ganda ng Sabang Quezon.


  Heto ang ilang larawan ng "SABANG"

  Salamat pala sa tao na nag-capture ng napakagandang mga pictures na ito. Sa link na ito makikita ang iba pang pictures ng magagandang tanawin ng Sabang  at owner ng mga ito,
https://www.flickr.com/photos/lenareh/sets/72157622127656070/












2 komento: