JWGIMENEZ

JWGIMENEZ

Lunes, Agosto 10, 2015

PAANO KUNG MATANDA NA AKO?



Maraming bagay kang magagawa kapag nasa kalakasa pa ang katawan mo. Pwede kang mamasyal kahit saan mo magustuhan. Kumain ng mga gusto mong pagkain. Magagawa mong tumalon, tumakbo at kahit ano kaya mong gawin dahil nasa kalakasan ka pa para gawin mo ito. Pero hindi na natin ito magagawa kung matanda na tayo o nasa kaidaran na, mahina na ang katawan, masasakit na ang mga kasu-kasuan at kung malilimutin na tayo.
   Lahat tayo ayaw tumanda, hindi lamang dahil hindi na natin magagawa ang mga gusto nating gawin, kundi dahil gusto nating makasama nang matagal ang ating mga mahal sa buhay at makatulomg sa kanila. Pero nakalulungkot na maaari tayong sumapit sa kalagayan na hihina na ang ating katawan , lalabo ang mga mata, hihina ang mga tainga, kukulubot ang balat dahil sa katandaan.
   May kilala ka bang nasa ganitong kalagayan na? Baka lolo o lola mo, mga magulang mo, kaibigan , kapitbahay o nakakasalubong mo sa daan. Ano kaya ang tunay na nararamdanam naila na hindi alam ng mga nasa kalakasan o kabataan? At gaano kalala ang kalagayan ng mga may-edad na inaabuso, pinagmamalupitan o binabali-wala? Alamin natin ang mga ito.
KALUNGKUTAN AT PAGMAMALUPIT

   Kung ilalagay natin ang ating sarili sa kanila at iisipin kung paano kung matanda na tayo, tiyak na makatutulong ito sa atin na malaman ang tunay na pinagdadaan nila. Sa mga anak na ang kanilang magulang ay nasa kahinaan na dahil sa katandaan ay maaaring naiintindihan na ang kalagayan nila
    Ano pa ang epekto ng pagtanda nila? Hindi lamang pisikal na kalagayan apektado ng pagtanda nila maging ang kanilang emosyon. Marami sa mga tumatanda na ang nakararanas ng kalungkutan dahil sa kanilang kalagayan. Madalas dahil ito sa pagkadama na wala na silang halaga, iniisip nila na wala na silang pakinabang at kulang sa pagmamahal. Kung ganito ang damdamin ng atin minamahal na lolo, lola o magulang na humihina na ang pangangatawan  paano pa kaya sa mga inaabuso at ipinagmamalupitan?
   Lubhang nakakabahala ang katotohanan na dinaranas ng ilang may-edad na - ang paglaganap ng pagpapabaya at pagmamalupit sa kanila. Napakasakit isipin na nangyayari ito, mahina nga ang pangangatawan napagmamalupitan pa! Isang halimbawa dito ang di-pangkaraniwang kuwento ng mag-asawang may-edad nna tumalon mula sa bintana ng kanilang apartment na nasa ikawalong palapag na ikinamatay nila. Talagang nakapangingilabot ang pagpapakamatay ng mag-asawa. Pero mas nakapangingilabot ang kanilang motibo. Isang maikling sulat ang nasumpungan bulsa ng asawang lalaki ang nagsasabi:"Minabuti naming wakasan na ang aming buhay dahil palagi kaming minamaltrato at anaaway ng aming anak na lalaki at manugang na babae." NAPAKASAKLAP TALAGA! Narito ang ilang patunay nang pagiging laganap na pang-aabuso sa kanila, ayon sa pag-aaral:
•Sa Canada, 4 na porsiyento ng mga may-edad na sa doon ang iniulat na inaabuso o sinasamantala—karaniwan na ng isang miyembro ng pamilya. Subalit maraming may-edad na ang hiyang-hiya o takot na takot magsalita tungkol sa kanilang malungkot na kalagayan. Ang totoong bilang ay maaari pa ngang mga 10 porsiyento, ang sabi ng mga eksperto.
• “Sa bansang India, ang inaakalang matibay na ugnayang pampamilya ay gumuguho dahil dumaraming may-edad na ang inaayawan ng kanilang mga anak,” ang ulat ng magasing India Today.
• Ayon sa pinakatamang tantiya na makukuha, “mula 1 hanggang 2 milyong Amerikano na edad 65 o higit pa ang sinaktan, sinamantala, o sa paanuman ay pinagmalupitan ng isa na inaasahan nilang mangangalaga o magbibigay sa kanila ng proteksiyon,” ang sabi ng National Center on Elder Abuse. Tinatawag ng isang deputy district attorney sa San Diego, California, ang pang-aabuso sa mga may-edad na bilang “isa sa pinakamalubhang isyung nakakaharap ng pulisya sa ngayon.” Sinabi pa niya: “Nakikini-kinita kong lálaki pa ang problema sa susunod na mga taon.”
   Hindi lamang sa ibang bansa makikita ang paglaganap ng pagmamalupit na ito at  'kaso ng mga matatandang nakararanas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso' maging dito sa rin Pilipinas. Kaya naman 'isinusulong sa Kamara sa Pilipinas ang pagpapasa ng panukala na “Anti-Violence Against Senior Citizens Act.” ' - REMATE ang diaryo na masa, "Proteksyon sa Lolo't Lola, Isinulong sa Kamara.
   Sa mga kalagayang ito, makikita na kadalasan ang gumagawa ng waring  walang pusong pagmamalupit ay ang kapwa nila mga anak o tinuturing na pamilya, na sa halip na sila sana ang magpapakita na pag-aaruga at pagmamahal. Narito ang ilang videos ng pagmamalupit:

 Si lola Lourdes 85 yrs old
Buong kwento: Lola Hawla
75 yrs old ikinadina
Balitanghali GMA

     Ilan lamang yan sa mga matatandang dumaranas ng pagmamalupit ng kanilang sariling anak o pamilya.
     Sa ibang kaso, kung minsan ibang tao ang gumagawa nito. Sa kanluraning bansa, karaniwan na ang pag- iwan sa kanilang matatandang magulang sa home for the aged o nursing home. Maaaring maayos at masaya din naman sila doon yamang kadalasang mayroong staff na mangangalaga sa kanila at mga activities na magpapatas pa ng kanilang memorya. Pero sa ngayon laganap din ang walang awang pang-aabuso mula roon. Tingnan ang halimbawang ito:

Mula sa YOUTUBE

   Ano ang nadama mo nang masaksihan mula sa mga video ang pagmamalupit na iyan? Baka halos madurog ang puso mo dahil sa awa o habag. Paano kung sila ang ating mga magulang na pinagmamalupitan, marahil higit pa sa pagkadurog ng puso ang madarama mo. Sa artikulong ito ipinakita kung anong mundo mayroon ang ating mga minamahal na may-edad na, anong sakit ang mayroon sila sa pisikal at emsyonal. At ano ang pinagdadaanan ng ilan sa kanila. Pinapaalala rin nito na dapat mahalin sila at alagan sa tamang paraan. Pagtiisan sila at huwag hayaang maiinis sa kanila dahil sa di normal nilang pagkilos, pagtiisan na maaaring mabagal na silang maglakad, pagtiisan ang pagiging mahina nilang pandinig, at pagtiisan ang pagigi nilang makulit minsan. Ang lahat ng iyon ay epekto ng pagtanda nila, at hindi nila iyon ginusto. Tandaan natin na tayo rin maaaring sumapit sa gayong kalagayan, at tiyak na ayaw nating mangyari sa atin ang walang pag-ibig na pagtrato ng ilan sa kanila. Ibalik natin sa kanila ang pagmamahal na ipinakita nila sa atin noong sanggol o bata pa tayo.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento